Blog has been transferred

Magandang araw. This Blog will be closed. Please visit my new blog @ http://mixglorioso.wordpress.com/ maraming salamat sa inyong pagsubaybay! Ingat!

                            

Yoko na!

http://mixglorioso.wordpress.com/ eto ang link sa bago kong blog, d2 kse nakakalito ang mga options, techie akong tao pero yung kailangan ko pang maduling para lang mahanap yung options na kailangan ko eh sobra naman! I will retain some of my blogs here, yung iba andun na sa bago... salamat sa pag basa! hanggang sa muli mga batang batibot!

Staying up late and a bunch of shenanigans

It’s 2:00am, I’m here in the basement (which is my room) sipping a hot cup of café mocha, smoking and listening to reggae tunes from my iPod, Bob Marley to be exact. Alone and idle for God knows how long, I’ve decided to get my laptop upstairs to try to get all this things out of my mind, and now I couldn’t start because I don’t know where and how.

 

I feel awful than the time I was wearing a cast (I wore one for 3 months because of an accident), I don’t know why, I guess I’m depressed because things are not going well as planned...

 

Oh, here we go… I’m going to talk about Rock and roll, well not actually, I’m going to write about my band Genuflect and things related to it, and I hope it wont bore you to death, because I couldn't afford to buy you flowers on your wake... but hey! Come to think of it, I’m not obliged to please you… hehehe!

 

Writing songs, choosing which songs to put in our lineup, making a fool out of myself for forgetting simple lyrics while on stage, these are the things that I won’t forget. I’ve had my fair share of good gigs and bad gigs (bad gigs happen if you come unprepared, but you can’t use that as an excuse).

 

Wait… I have to change genre… Reggae is making me happy… too happy… not that I’m smoking weed or something... there's just something about reggae that makes me feel good...

 

Now I have Bon Jovi playing. A guy who has a band named after him… Cool…

 

Shucks, I ran out of things to say, I know that smoking affects your thinking but I didn’t know it would be this fast… oh well…

 

Now what… hmm… being awake this time of the morning reminds me of those days when I have to deal with customers on the phone, yeah you’re right, I used to work in a call center, I was a technical support representative for Verizon, and we are being highly compensated for being zombies. I never thought I’d be working in a call center, but I did. It was my first job and it was unanticipated. I had a great time working and I found good friends too, friends that are all different but like puzzles that perfectly fit to make a beautiful picture. Maybe I’ll apply at another company soon… maybe Dell... maybe not...

 

Moving on…

 

I’ve always believed in UFO’s, Elementals (Enkanto), Third eye, Fourth eye, Fifth eye, or sixth eye if there are such, and the like. I’m like crazy for things that some people never believe in… I want to meet true clairvoyant people. I never lost hope, I know someday I’ll meet someone… that would be way too cool!

 

Because my basement room has poor air circulation, the smoke coming out my cigarette is like pouring fine grain sand in my eyelids. Now I have to open the door and hope my parents won’t smell it. I can smoke, but out of respect, I don’t show it to my parents, it’s also a way to remind me that I still have some good values left in my system.

 

So after reviewing what I’ve written I guess I wasn’t talking about my band after all… hehehe… good thing we have a democratic country… that’s what pinoys use to get out of trouble.

 

I never believed that Pinoys are poor, I remember the time when I still have my Nokia 3210, I bought a balut egg and the balut guy answered a call from his wife with the latest nokia 3310 (it was the latest that time and everybody was going ga-ga over it because it has “snake 2”). Even the Fishball vendor that I call "Master Pogi" has a cellphone!

 

The Filipino wouldn’t eat just to buy cellphone credits, pre-paid cards were expensive back then. But now I think 10 pesos is the cheapest, and if you’re really poor, you can just beg your friends for pasaload.

 

Ever since colored cellphones went out on the market, I barely receive those grafix messages that move when you scroll down. Those were cool before (admit it!), I wish I could receive 1, just 1… just for old times sake and just to see if it still works on new cellphone models, it can also be a cool laughing material when I show it to my friends… by the way… my number is +639217815752… send me a moving grafix pls… yes I’m serious.

 

One thing I hate most about text messaging is receiving those chain texts, text messages asking you to send a number of texts to other people to evade misfortune or death. Well that sucks… I never believed in it and nothing bad happened to me… oh wait… something did happen…

 

I’ve just finished browsing my friends here in friendster and it really surprised me that most of my batch mates in school who are silent and shy before are now wearing bikinis and sexy outfits in their pictures, talk about late bloomers, they look nice though and I guess their self esteem is in full tank...

 

1,2,3,4,5,6,7,8… 8 cigarette butts on the ashtray and 8 sticks of Marlboro since I started writing this… I’m going to get some ice upstairs to make iced café mocha from what’s left of it in my mug.

 

I’ll try and go to sleep now. I just hope I didn’t bother the duende with my music. (some say we have a white duende living in my bathroom here in the basement) COOL…

As it turns out... this blog has no sense at all... except the part about grafix... man that was cool!








"Mix Genuflect Rockin' since 2001"

Pinipilit kitang kumain ng gulay!

Do you still remember when you were young, pinipilit ka ng mga magulang mo na kumain ng gulay? ako oo, pero bihira ako kumain non, pakiramdam ko kasi eh hindi ko pa kailangan yun dahil hindi naman masarap. cguro na-experience nyo rin yun, except if kung gulay ang hilig mo at paborito mo pa ay ampalaya, kung ako ang nasa kalagayan mo eh baka nag hunger strike ako noon. Hindi ako mahilig sa gulay, at mabibilang mo lang sa daliri mo ang mga kinakain ko... eto ang ilan sa mga gulay na kinakain ko, or nakakain ko ng akidente:

Lettuce (letsugas) - kakain ako ng lettuce kahit gaano pa karami yan! basta nakapalaman sa tinapay at may 3 burger patties at cheese at bacon!

Green beans (Sitaw) - kakain ako nyan kung igigisa kasama ang dalawang kilong Sugpo!

Tomatoes (kamatis) - eto kakainin ko kahit walang kahalo, basta in the form of ketchup!

Ampalaya (bitter melon) - kakain ako nito sa isang kundisyon, samahan mo ng maraming lechon!

Potato (Patatas) - Wala nang sasarap pa sa french fries! greasy!

Garlic (bawang) - yung may kasamang corn bits! para boy bawang!

Onions (Sibuyas) - siyempre hindi mo maiiwasang hindi kumain nito pag nilalantakan mo ang shawarma!

Egg Plant (Talong) - Torta! Tapos!

Bean sprout (Togue) - pagkain sa SM food court pag walang pera!

Kabute (Mushrooms) - Hindi ito yung droga, masama yun. masarap ang mushroom pag nasa pizza!

Kinchay (Cilantro) - Hindi pwedeng wala yan sa lumpiang shanghai!

Bottom Line: Masarap kumain, kahit pa gulay yan or karne ang problema, mahirap humanap ng masarap na pagkain lalo na kung wala kang pera.

 

 

"Mix Genuflect Rockin' since 2001"

Noong bata pa ako...

Sobrang bilis ng panahon... parang kailan lang eh uso pa ang maglaro ng taguan at teks, magbisikleta papuntang kawalan at mapalo ng magulang dahil may bago nanamang sugat na natamo dahil sa sobrang likot na dulot ng sugar rush na hatid ng isang boteng coke. Maraming masasayang bagay na masarap gawin noong bata pa ako, manuod ng cartoons sa cable na naka-tap sa CaTV ng kapit bahay (at least ngayon may sarili na kaming linya at nanalo pa kmi sa raffle! hehehe!), maglaro ng G.I. joe at lego na hindi ko na alam kung saan napunta ngayon, magpalipad ng saranggola sa bakanteng lote na ilang dekada bago pa nagawang subdibisyon, manghuli at mangtorture ng mga kawawang tutubi, at magbabad sa paglalaro ng family computer na may cartridge na 999 in 1 na halos 10 games lang naman na namodify yung mga stage at level ng difficulty. Naaalala ko pa nga na pag napapagalitan ako palagi dahil sa kaadikan sa pagpindot ng malagkit na kontroler ng family computer, itinatago ng nanay ko yung adapter para walang makapaglaro... ang nakakatawa lang eh alam naman natin kung san nila tinatago yung adapter... siyempre sa closet nila! haha! gotcha!

Ang sarap maging bata, parang ang pinaka problema mo lang noon eh kung matatapos mo ba o magagawa yung assignment mo sa school bago ipalabas sa TV ang mga paborito mong palabas.

Ito ang mga palabas sa TV dati pumili ka na ng gusto mong palabas:

*Ghostbusters (ang totoong multo ay ang iyong nakaraan... creepy)

*Alf (sikat pa channel 9 dati)

*Shaider (Ang bida dito ay yung Panty ni annie)

*Ultraman (Malaki ang pamilya nya... ultraman cel, ultraman godfather, ultraman x, at marami pa... nakalimutan ko na mga pangalan nila.)

*Okey ka fairy ko (Siyempre dahil kay aiza kaya ka nanonood!)

*Eat Bulaga! (hanggang ngayon naman ata eh! crush ko pa si aiza noon!)

*Doogie Howser M.D. (Pinakabatang Doktor)

*Cedie ang munting prinsipe (Bading cya...)

*Sarah ang munting prinsesa (masokistang prinsesa...)

*Von Trapp singers (Oh likikiya! Oh likuku!)

*Agila (Val sotto pa bida dyan!)

*Ana Luna (pinapanood ng mga bata na wala nang pasok sa hapon)

*Mara Clara (diyan sumikat ng todo si Juday)

*Teysi ng tahanan (panggising sa umaga)

*Lunch break (kalaban ng eat bulaga dati)

*Voltes V (tenet ten ten nen tenen!)

*Bioman (R.I.P. pink 5, hello cynthia luster hehe)

*Sesame street (lahat naman siguro dumaan dito)

*Batibot (hanggang ngayon may LSS pa rin ako ng "tinapang bangus" "tayoy magtanim" at "kapit bahay nyo"

*3 o'clock prayer (senyales na malapit nang ihanda ang meryenda, karaniwan dito eh champorado, hotcake, maruya, at bananaQ)

*That's Entertainment ( hindi ko naenjoy to kahit kelan... tsk tsk... mga tambalang romnick ay sheryl, lotlot at monching... geez...wednesday group...)

*Eye to Eye (Hanapan ng mga nawawalang bata at matanda)

*Kapwa ko mahal ko (ang malaki ang sweldo d2 e yung babae sa bilog sa ibaba ng screen na mahilig mag sign language)

hhmmm... ano pa ba? biglang wala na akong maisip dahil nablanko ako... kung may gusto kyo idagdag eh ipost nyo naman... para masaya...

sa susunod mga pagkain naman... lugar... at usong laruan...






 

 

"Mix Genuflect Rockin' since 2001"

Broken bones and what not

Dateline:
Hulyo 23,2005 4:30pm--- pagkatapos na pagkatapos tumugtog ng aming banda sa screening ng musiklaban, bumaba ako upang makakuha ng tansan ng redhorse dahil kulang ang dala namin para sa requirement. sumakay ako ng aking motorsiklo ng biglang nag-ala "black beauty" ito sa pagka-wild! nagmistulang isang mailap na hayop ang aking motor dahil napaglaruan ng mga bata ang silinyador ng aking motor. Nabali ang buto sa ilalim ng aking tuhod at kinakailangan kong magsuot ng fiberglass something upang gumaling ito. Napilitan din akong tumigil sa aking pag-aaral (labag ito sa aking kagustuhan sapagkat mahilig akong mag-aral, hehehe!) sa kadahilanang lahat ng aking mga klase ay sa 4th at 3rd floor isinasagawa. Malas.

Agosto 5, 2005--- umuwi ako mula sa kamaynilaan dahil nai-drop ko na ang aking mga subject. salamat sa tulong at effort ng aking katipan nuong panahon na iyon, hindi ako nahirapan sa proseso. Gabi ng araw na ito, tumugtog kami sa patimpalak ng Musiklaban na may kaba sa aming mga kalooban. Wala kasi ang aming isang gitarista na si kumpadreng Dox Asilo, tapos ako'y hirap ding kumilos dahil sa aking kalagayan. Awa ng diyos ay nakatugtog kami, last nga lang kami sa labing limang banda na nagtunggalian sa paligsahang kaylupit! kaya pagod at antok na ako at pagod. nararamdaman ko rin ang unti-unting pagkirot ng aking buto at kalamnan. Natalo kami ng may dangal sapagkat naramdaman namin na kahit natalo kami sa patimpalak ay nakuha naman namin ang respeto ng ibang banda at ng mga manunuod. panalo na rin ang pakiramdam... wla lang cash... hehehe!

Septiyembre 7, 2005--- Ito ang pinakahihintay kong araw sapagkat tatanggalin na ang balot sa aking mga binti. Akala ko'y simula na ito ng bagong pag-asa. Sa daan patungo sa klinika ng aking doktor iniimagin ko na ang aking sarili na tumatakbo sa dalampasigan gamit ang aking mga binti. Ngunit nagmistulang isang masamang panaginip ito sapagkat ako pala ay hindi agad makakalakad. Ako ay nabigo. Sayang lang ang aking eksaytment. Upang maibsan ang aking kalungkutan, ako ay natulog na lamang. Naisip ko, hindi dapat Doctor Aguilar ang pangalan ng aking Manggagamot kundi "Doctor Doom!" nasira kasi ang aking mga plano.

KASALUKYAN---

nag-aaral pa rin akong lumakad... minsan nakikita ko ang pamangkin kong 2 yrs old at ako ay natutuwa sapagkat mas magaling pa siya sa akin kung paglalakad ang paguusapan. Dakilang lumpo pa rin ako. Ang masaya dito, isa na lang ang gamit kong saklay. imprubing! Badtrip lang kasi klasipikado ako na isang may kapansanan, pero hindi ko naranasan ang discount sa pagsakay sa jeepney at bus. O siguro hindi lang ako nagtanong.

Note:

Salamat sa mga dumalaw sa akin sa ospital noong ako ay nakaratay doon! hindi ko kayo malilimutan! tandang-tanda ko ang mga pagmumukha nyo! Bwahahahaha!

Salamat ng marami!!!

Salamat din sa mga sumusoporta sa aming banda! Lalo na nung Musiklaban!

Salamat dun sa sumigaw sa akin na rakista noong musiklaban ng "kuya kaya mo yan!..." nagtaka ako nang sobra dahil ang alam ko eh ako na yung bunsong anak... tinawag nya akong kuya...

teka..teka.... maitanong nga kay itay... hehehehe!

fiesta sa lahat...

saya kanina kse kainom ko tito ko... ok kse we had the time to bond... jahe traffic sa bawat bayan sa quezon... ewan ko ba naman kung bakit kailangangang sabay-sabay pa. each saint cant wait for their turn to be glorified... saya naman day ko... tipsy ako ngyon pero ok lang kse i enjoyed the day with the family... samagbabasa nito.. salamat... hehehe... nagsayang ka lang ng oras... hahahaha! gud morning! laro muna ako gunbound... bored na ako eh..